THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ang Sining ng aking Pangalan

Ang Isang Paalala para sa Pagbabago

Lubhang kahali- halina ang pagmasdan ang karagatan
Yamang  pinagkaloob ng Poong Diyos sa sanlibutan
Karapatdapat nating alagaan at pahalagahan
Ating pagyamanin gamit ang puso at ang kakayahan.

Lilipas ang panahon at  marami pang mga mababago
Yan ang katotohanang dapat tanggapin dito sa mundo
Nais ko lamang ipapalala sa iyo, kapatid ko
Ewan ko lamang kung talagang iyong  napagtatanto.

Tama lang, panahon ng sa wakas, may magawa tayo
Tigilan ang pag-aksaya sa mga kayamanan ng mundo
Estimahin ang mga mga pagkakamali ng malaman mo
Mamulat na kagandaha’y mawawala, yan ang totoo.

Lahat tayo ay dapat kumilos habang maaga pa
Iwaksi sa isipan na lahat ay maaliwalas na
Nararamdaman niyo na ba ang sigaw para sa  PAG-ASA?                           
Dahil kung hindi pa ay mabuti pang mag-isip- isip na.

Aanihin ng susunod na henerasyon ang bunga
Imbis na mapapabuti ang buhay at mapapasama sila
Naku, sana naman ay gumalaw at makonsyensya na
Magkaisa tayo at umasa sa magandang  tuwina.

"SAMPUNG TAON MULA NGAYON, HETO NA AKO!"

Lahat ng tao ay walang kakayahang imanipula ang magiging takbo ng kanyang oras sa paglipas ng mga araw. May mga bagay din na hindi iaasahan na dadating sa ating buhay na maaari nating ikasama o ikabuti na siyang magdudulot ng pagbabago ng mga plano sa buhay.

Sa sampung taon na lilipas sa aking buhay ay naiisip ko na ako ay magigigng isang matagumpay na tao at makapagtatapos sa tamang oras sa kurso na aking kinukuha. Makapaghahanap ako ng magandang trabaho na makatutulong sa akin at sa aking mga magulang. Pagnakapagipon ako sa pagtratrabaho makatutulong din ako sa mahihirap at makpagtatayo ng sariling  kong negosyo.

At sa paglipas pa ng panahon itutuloy ko ang aking binabalak at sisiguraduhin kong matutupad ko ito katulad ng paglilibot ko sa iba't ibang bahagi ng mundo kasama ang aking mga mahal sa buhay na makapagpapaligaya sa akin ng sobra kasabay ng mga matatagumpay kong pangarap. ^_^

Linggo, Oktubre 2, 2011

Ang Awit ng aking Buhay

          Ang awit ng aking buhay ay depende sa kung anu-ano ang mga nangyayari sa akin base sa aking mga sariling karanasan sa buhay. May malungkot at may masaya din naman. Pero ang pinaka-awit ng aking buhay ay ang kantang, "Keep your Style" na kinanta ni Fujishige Masataka mula sa bansang Hapon. Una ko itong napakinggan sa ending song ng anime na Prince Of Tennis.  
         Maganda ang himig nito na parang himig ng aking buhay at mas lalo ako napalapit sa kanta na ito nang mabasa ko ang pagsasalin sa Ingles ng kanatang ito. Ang kanta na ito ay tungkol sa isang tao na dapat magpakatotoo sa sarili at magkaroon ng tiwala sa sariling kakayahan at hindi pa huli ang lahat para magbago. 
        Kaya ko ito naging awit ng aking buhay dahil sa makapangyarihang salita nito na nagmulat sa akin na kailangan may magawa ako para sa sarili ko at sa iba sa paraan na pagiging positibong pagiisip ay may tiwala sa sarili. Narito ang pagsasalin sa Ingles ng kantang ito:
as I melt my eyes on the piercing sky

I am filled with the overflowing confidence that starts here
the time draws near, my breaths entangle
when you feel that passing moment, you're in a new world
                        
I say you stay just the way you are
even hold onto the solitude
keep your style keep your mind break it out
I stay with you we'll spread our wings and go anywhere
until the day we grasp tomorrow
everyone's various emotions...
pile up the fading present 
on top of the future
and let it free onto the dancing wind
the throbbing in your chest
                        
inside the repeating everyday
it's all right to stay as a free child
I say new day right here
even if there is sadness
keep your style keep your mind break it out
I take my way keep running within the confusion
the vivid devotion
will definitely be shining still
                        
I say you stay just the way you are
even hold onto the solitude
keep your style keep your mind break it out
I stay with you we'll spread our wings and go anywhere
until the day we grasp tomorrow
everyone's various emotions...


Linggo, Agosto 7, 2011

AKO BILANG ISANG BAGAY





Ako bilang isang bagay maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang kamera, dahil mahilig akong kumuha ng mga litrato ng masasaya at mahahalagang pangyayari sa aking buhay. Ako ay parang kamera na kinukuhanan ko ang bawat karanasan ko bilang isang aral na tinatago ko sa aking puso’t isipan, malungkot man o masaya o masama man o mabuti.
Ang bawat momento na aking kinukuhanan ay mahalaga sa akin dahil ang mga naging momento ko na kasama ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko sa buhay ay labis kong pinahahalagahan sa aking puso’t isipan.
Nais kong kuhanan lahat ng aking karanasan ko bilang isang memorya na hindi ko makakalimutan at lagi kong babalik balikan sa aking isip kung gaano ako pinagpala ng Panginoon ng isang buhay na para sa akin ay isang perpektong buhay.

Sabado, Hulyo 30, 2011

Ang aking pamilya.









Sa aming pamilya, kami ay binubuo ng isang striktong tatay, mabait pero matipid na nanay at kaming apat na magkakapatid: isang ate, nakababatang kaptid na lalaki at babae at ako ang pangalawa sa aming magkakapatid.




Para sa akin, ang aking pamilya ay ang pinakamasayang pamilya sa buong daigdig dahil bawat miyembro ng aking pamilya ay laging andyan sa bawat okasyon. Tuwing may okasyon may selebrasyon kaya naman hindi mawawala sa amin ang kainan. Ang pamilya din namin ay may taglay na mlalakas ang boses kaya naman kapag nagsama-sama ang pamilya namin sa pamilya ng tatay ko, aaklain ninyo na may gulo o away sa amin pero normal lang iyon. Tuwing okasyon naman sa pamilya ng nanay ko, isang mahinahon naman at maayos ang setting para sa isang ksiyahan.
Minsan, may problema lalo na sa s financial pero nakagagawa pa rin kami ng paraan para masolusyunan lamang iyon. Masaya pa rin kami kahit walang pera, ang mahalaga ay magkakasama pa din kami.
                                             
Mga larawan ng aking pamilya:




Heto ang sosyal kong daddy na napakagwapo^_^. 

Mahal ko siya dahil kahit magagalitin siya binibigay niya 

lahat ng gusto at pangangailangan namin ;-)



Ang maganda kong ina na talaga namang todo ngiti sa litrato.

 Napakabait niya samin dahil isa siyang mapagmahal na ina ~_~

  
Ito naman ang aking ate Jelly na kahit masamang magalit, mabait naman dahil tinutulungan niya ko sa mga takdang aralin ko sa bahay noon =>.

 

Ito naman ang nakababata kong kapatid na lalaki. Asaran kami lagi pero lokohan lang iyon. *_* Laging tulog kaya naman ito na pinakamagandang kuha ko sa kanya sa camera ko. 0_0 He3. . 

Ito naman ang bunso sa amin na super kulit at maingay lalo na pagsumasayaw at kumakanta. @_@ 


At syempre ako 0_o

INTRODUCTION





Hello sa inyong lahat^_^.Ako si Lyka Lynette M. Lindain, kilala ako bilang si Shizuke Aibaki ng mga kaibigan ko sa ibang bansa at Lykee sa mga malalapit kong kaibigan .Sa bahay, tinatawag akong Lyka at sa ibang mga tito at tita ko ay “Monay”. Ako ay labing pitong taong gulang pa lamang at mag lalabing walo sa ika-20 ng Enero sa susunod na taon at ako ay pinanganak sa San Jose City,Nueva Ecija.
Ang aking paboritong pagkain ay sisig at fried chicken simula pa ng ako ay bata pa. Ang paborito kong inumin bukod sa tubig ay ang mga tea o tsaa na iba iba ang klase.Ang napaka ganda sa aking paningin ay ang mga bagay na may kulay blue lalo na ang sky blue dahil lagi akong tumitingin sa kalangitan noong ako ay bata pa. Gustong gusto ko rin magbasa ng mga adventures at fanfiction stories. Kadalasan, sa Fanfiction.net ako nagbabasa ng Prince of Tennis na anime.Masayahin akong tao, positibo,palaisip at minsan antukin pero maasahan kung kaylangan ako ng aking mga kaibigan. :-)