Ako bilang isang bagay maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang kamera, dahil mahilig akong kumuha ng mga litrato ng masasaya at mahahalagang pangyayari sa aking buhay. Ako ay parang kamera na kinukuhanan ko ang bawat karanasan ko bilang isang aral na tinatago ko sa aking puso’t isipan, malungkot man o masaya o masama man o mabuti.
Ang bawat momento na aking kinukuhanan ay mahalaga sa akin dahil ang mga naging momento ko na kasama ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko sa buhay ay labis kong pinahahalagahan sa aking puso’t isipan.
Nais kong kuhanan lahat ng aking karanasan ko bilang isang memorya na hindi ko makakalimutan at lagi kong babalik balikan sa aking isip kung gaano ako pinagpala ng Panginoon ng isang buhay na para sa akin ay isang perpektong buhay.

