THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ang Sining ng aking Pangalan

Ang Isang Paalala para sa Pagbabago

Lubhang kahali- halina ang pagmasdan ang karagatan
Yamang  pinagkaloob ng Poong Diyos sa sanlibutan
Karapatdapat nating alagaan at pahalagahan
Ating pagyamanin gamit ang puso at ang kakayahan.

Lilipas ang panahon at  marami pang mga mababago
Yan ang katotohanang dapat tanggapin dito sa mundo
Nais ko lamang ipapalala sa iyo, kapatid ko
Ewan ko lamang kung talagang iyong  napagtatanto.

Tama lang, panahon ng sa wakas, may magawa tayo
Tigilan ang pag-aksaya sa mga kayamanan ng mundo
Estimahin ang mga mga pagkakamali ng malaman mo
Mamulat na kagandaha’y mawawala, yan ang totoo.

Lahat tayo ay dapat kumilos habang maaga pa
Iwaksi sa isipan na lahat ay maaliwalas na
Nararamdaman niyo na ba ang sigaw para sa  PAG-ASA?                           
Dahil kung hindi pa ay mabuti pang mag-isip- isip na.

Aanihin ng susunod na henerasyon ang bunga
Imbis na mapapabuti ang buhay at mapapasama sila
Naku, sana naman ay gumalaw at makonsyensya na
Magkaisa tayo at umasa sa magandang  tuwina.

"SAMPUNG TAON MULA NGAYON, HETO NA AKO!"

Lahat ng tao ay walang kakayahang imanipula ang magiging takbo ng kanyang oras sa paglipas ng mga araw. May mga bagay din na hindi iaasahan na dadating sa ating buhay na maaari nating ikasama o ikabuti na siyang magdudulot ng pagbabago ng mga plano sa buhay.

Sa sampung taon na lilipas sa aking buhay ay naiisip ko na ako ay magigigng isang matagumpay na tao at makapagtatapos sa tamang oras sa kurso na aking kinukuha. Makapaghahanap ako ng magandang trabaho na makatutulong sa akin at sa aking mga magulang. Pagnakapagipon ako sa pagtratrabaho makatutulong din ako sa mahihirap at makpagtatayo ng sariling  kong negosyo.

At sa paglipas pa ng panahon itutuloy ko ang aking binabalak at sisiguraduhin kong matutupad ko ito katulad ng paglilibot ko sa iba't ibang bahagi ng mundo kasama ang aking mga mahal sa buhay na makapagpapaligaya sa akin ng sobra kasabay ng mga matatagumpay kong pangarap. ^_^

Linggo, Oktubre 2, 2011

Ang Awit ng aking Buhay

          Ang awit ng aking buhay ay depende sa kung anu-ano ang mga nangyayari sa akin base sa aking mga sariling karanasan sa buhay. May malungkot at may masaya din naman. Pero ang pinaka-awit ng aking buhay ay ang kantang, "Keep your Style" na kinanta ni Fujishige Masataka mula sa bansang Hapon. Una ko itong napakinggan sa ending song ng anime na Prince Of Tennis.  
         Maganda ang himig nito na parang himig ng aking buhay at mas lalo ako napalapit sa kanta na ito nang mabasa ko ang pagsasalin sa Ingles ng kanatang ito. Ang kanta na ito ay tungkol sa isang tao na dapat magpakatotoo sa sarili at magkaroon ng tiwala sa sariling kakayahan at hindi pa huli ang lahat para magbago. 
        Kaya ko ito naging awit ng aking buhay dahil sa makapangyarihang salita nito na nagmulat sa akin na kailangan may magawa ako para sa sarili ko at sa iba sa paraan na pagiging positibong pagiisip ay may tiwala sa sarili. Narito ang pagsasalin sa Ingles ng kantang ito:
as I melt my eyes on the piercing sky

I am filled with the overflowing confidence that starts here
the time draws near, my breaths entangle
when you feel that passing moment, you're in a new world
                        
I say you stay just the way you are
even hold onto the solitude
keep your style keep your mind break it out
I stay with you we'll spread our wings and go anywhere
until the day we grasp tomorrow
everyone's various emotions...
pile up the fading present 
on top of the future
and let it free onto the dancing wind
the throbbing in your chest
                        
inside the repeating everyday
it's all right to stay as a free child
I say new day right here
even if there is sadness
keep your style keep your mind break it out
I take my way keep running within the confusion
the vivid devotion
will definitely be shining still
                        
I say you stay just the way you are
even hold onto the solitude
keep your style keep your mind break it out
I stay with you we'll spread our wings and go anywhere
until the day we grasp tomorrow
everyone's various emotions...