Ang Isang Paalala para sa Pagbabago
Lubhang kahali- halina ang pagmasdan ang karagatan
Yamang pinagkaloob ng Poong Diyos sa sanlibutan
Karapatdapat nating alagaan at pahalagahan
Ating pagyamanin gamit ang puso at ang kakayahan.
Lilipas ang panahon at marami pang mga mababago
Yan ang katotohanang dapat tanggapin dito sa mundo
Nais ko lamang ipapalala sa iyo, kapatid ko
Ewan ko lamang kung talagang iyong napagtatanto.
Tama lang, panahon ng sa wakas, may magawa tayo
Tigilan ang pag-aksaya sa mga kayamanan ng mundo
Estimahin ang mga mga pagkakamali ng malaman mo
Mamulat na kagandaha’y mawawala, yan ang totoo.
Lahat tayo ay dapat kumilos habang maaga pa
Iwaksi sa isipan na lahat ay maaliwalas na
Nararamdaman niyo na ba ang sigaw para sa PAG-ASA?
Dahil kung hindi pa ay mabuti pang mag-isip- isip na.
Aanihin ng susunod na henerasyon ang bunga
Imbis na mapapabuti ang buhay at mapapasama sila
Naku, sana naman ay gumalaw at makonsyensya na
Magkaisa tayo at umasa sa magandang tuwina.

0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento