Hello sa inyong lahat^_^.Ako si Lyka Lynette M. Lindain, kilala ako bilang si Shizuke Aibaki ng mga kaibigan ko sa ibang bansa at Lykee sa mga malalapit kong kaibigan .Sa bahay, tinatawag akong Lyka at sa ibang mga tito at tita ko ay “Monay”. Ako ay labing pitong taong gulang pa lamang at mag lalabing walo sa ika-20 ng Enero sa susunod na taon at ako ay pinanganak sa San Jose City,Nueva Ecija.
Ang aking paboritong pagkain ay sisig at fried chicken simula pa ng ako ay bata pa. Ang paborito kong inumin bukod sa tubig ay ang mga tea o tsaa na iba iba ang klase.Ang napaka ganda sa aking paningin ay ang mga bagay na may kulay blue lalo na ang sky blue dahil lagi akong tumitingin sa kalangitan noong ako ay bata pa. Gustong gusto ko rin magbasa ng mga adventures at fanfiction stories. Kadalasan, sa Fanfiction.net ako nagbabasa ng Prince of Tennis na anime.Masayahin akong tao, positibo,palaisip at minsan antukin pero maasahan kung kaylangan ako ng aking mga kaibigan. :-)


0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento